Ito ay isang polisiya na naghihimok sa mga may negosyo sa naturang lungsod na gawing prioridad ang mga Manilaños kapag kukuha ng mga mangagawa.
Ayon kay Moreno, ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Manileños ay magandang formula sa pagkamit ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.
Kung may trabaho aniya ang mga mamamayan, hindi sila kakapit sa patalim at gagawan ng krimen.
Binigyang daan din ng alkalde ang pagsugpo sa nagaganap na kurapsyon sa City Hall partikular na sa pagkuha ng business permits at licenses.
Noong nakaraan ay nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 8 na nagmamandato sa pagbuo ng Bagong Maynila One-Stop Shop o BOSS nilang panghihikayat sa mga tao na magnegosyon.