Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, dumaan na kasi sa round of hearings and passage sa Kamara ang Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities o TRABAHO, Package 2 Plus, Package 3 at Capital Income Tax Reform kung kaya inaasahang mapabibilis na ang paglusot nito.
Pinabubulaanan din ni Chua ang pangamba ng iilang kompanya na tatanggalin na ang incentives sa trabaho bill.
Katunayan ayon kay Chua, dagdag na benepisyo ang ibibigay ng pamahalaan kapag nakapagbigay ng trabaho ang isang kompanya.
Sa ilalim ng TRABAHO bill, ibaba ang corporate income tax.
Una nang umapela si pangulong duterte sa kongreso na bilisan ang pagpasa ng mga panukalang batas na makalilikom ng pondo ang pamahalaan para matustusan ang build build build program.
“Well, I think iyong una po, we need to work with Congress. And they have given their support following the President’s SONA directives, to get all the tax reforms passed in hopefully within the year. Kasi kagaya po ng sinabi ko, dumaan na po ito sa ano eh, parang a round of hearings and passage in the House, so I think mas mabilis na po.”
“Pangalawa po, I think there is a misreading po of the Trabaho Bill because ang una pong sinasabi ng investors na tanggalin iyong incentives, which is not true. In fact, we are offering sometimes better incentives. For instance, dati po kasi, iyong incentive system goes like this … o ngayon po, you get five percent as tax, in lieu of all taxes without any conditions.”