Bureau of Immigration muling nagbabala sa publiko patungkol sa mga fixer

Pinaalalahan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga mamamayan na huwag tangkilikin ang mga nagkalat na fixers na nag-aalok ng mabilisang proseso kapalit ang pera.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, huwag magpadala sa magbubulak na salita ng mga fixers na ngangako ng mabilis na transaksyon sa mga opisina ng ahensya.

Kasunod ito ng pagka-aresto sa isang fixer na si Brigeda Quijano sa Mandaluyong City kahapon.

Nanghingi umano ng P150,000 si Quijano sa isang German national para iproseso ang pagpapalaya dito.

Iginit din ng ahensya sa mga Overseas Filipino Workers na huwag tumanggap ng mga tinatawag na illegal ‘escorts’ para makaalis sa bansa.

Hinkayat din ni Morente ang publiko na magsumbong sa kanilang tangapan kung may malamang may mga ganitong illegal na gawain.

Read more...