Simbahang Katolika tutol pa rin sa pagpasa ng dealth penalty
By: Clarize Austria
- 5 years ago
Nagbabala ang Simbahang Katolika sa mga mambabatas sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC), dapat pag-aralang mabuti ang naturang mungkahi dahil hindi nito matitigil ang krimen at tinatarget lamang ang mahihirap.
Dagdag pa ng CBCP, ang mga mambabatas ay iniluklok ng publiko para magsilbi sa bayan at hindi kay Pangulong Duterte.
Matatandaan na noong Lunes, hiniling ng pangulo sa Kamara ang muling pagbuhay sa death penalty para sa mga kasong kriminal gaya ng plunder at illegal na droga.