Batas na magpapataw ng karagdagang buwis sa sigarilyo pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

Lalagdaan na sa loob ng linggong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong dagdagan pa ang Excise Tax sa sigarilyo.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, June 27 pa naipasa sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang Enrolled Bill na nakalusot noong 17th congress at nakatakdang mag lapse into law sa july 27 kapag hindi naaksyunan.

Ayon kay Chua, mula sa 35 pesos magiging 45 pesos na ang buwis sa heated tobacco products at electronic o e-cigarettes.

Gagamitin ang makokolektang buwis na dagdag pondo sa Universal Health Care.

Una nang sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte ang panukalang batas.

Aniya, “It is an enrolled bill that was transmitted last June 27 to Malacañang. That means it will lapse into law July 27. And my understanding is it is ready for signature by the President. The tobacco excise bill passed by the 17th Congress which increases the rates of the tobacco excise from 35 to 45 and added a tax on heated tobacco products and e-cigarettes.”

Dagdag pa ni Chua, “I was told it would be signed this week because that is a priority measure certified urgent by the President in the previous Congress and mentioned by the President in the SONA.”

Read more...