Kagustuhan ng pangulo na ipagpaliban ng barangay at SK elections ikinatuwa ni Rep. Inno Dy

Ikinalugod ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang 2020 barangay at SK elections.

Ayon kay Dy na isa sa naghain ng panukala sa Kamara na i-postponed ang May 2020 elections, masaya siya noong narinig ito sa pangulo.

Paliwanag ni Dy, ito ang nagustuhan ng halos lahat ng mga barangay officials sapagkat kulang ang dalawang taon na termino na kasalukuyang pinapairal.

Bilang dati anyang barangay captain, sinabi ng mambabatas mahirap anyang maipatupad ang mga proyekto para sa barangay.

Sa unang taon anya ng mga barangay officials ay karamihan training ang ginagawa at hindi pa masyado nakakapagpatupad ng proyekto.

Ang mga programa anya ay kadalasang sa ikalawang taon naisasagawa pero ito na rin anya ang panahon na nagsisimulang mangampanya ang mga opisyal ng barangay.

 

Read more...