Sa ulat ng New York Times ay kanilang sinabi na kinumpirma ng Indonesian authority na mga terorista mula sa Indonesia ang utak sa pagpapasabog.
“The media report quoting Indonesian authorities that the perpetrators in the Mount Carmel Cathedral explosion in Jolo, Sulu was an Indonesian couple comes as a confirmation of our own findings in the thorough investigation we conducted,” ayon kay Marine Brigadier General Edgard Arevalo, ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nauna dito ay sinabi ni Arevalo na kanilang ibinahagi sa kanilang counterpart sa Indonesia ang resulta ng kanilang paunang imbestigasyon sa nasabing terror attack na nagresulta sa kamatayan ng 20 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.
Ang nasabing ulat ay kinumpirma rin ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.
Dahil rin sa nasabing pagsabog ay pinag-aaralan na ngayon ng Malacanang kung kanilang ihihirit ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.