Annulment bill muling binuhay sa Kamara

Isinusulong muli ngayong 18th Congress na mapawalang bisa o mapa-annul ang kasal ng mag-asawa kung limang taon na silang hiwalay.

Sa House Bill 502 na inihain ni 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na naglalayong amyendahan and and Title 1, Chapter 3 ng Executive Order No. 209 o and Family Code of the Philippines sa pamamagitan ng Article 45-A na nagtatakda na ang isang kasal ay maaaring ipawalang bisa kung ang mag-asawa ay hiwalay na sa loob ng limang taon.

Paliwanag ni Barbers, layon din ng panukala na kilalanin ang katotohanan at ang umiiral na marital condition ng mga Filipino.

Hindi na umano kailangan pa ng malalim na rason para bigyang dahilan ang paghihiwalay ng mag-asawa sa annulment proceedings.

Iginiit pa niya na ang limang taon na actual separation ay estranghero na ang mag asawa at malabo na muling magkabalikan.

Bukod dito sa loob din ng limang taon ay maaari nang makapag adjust at makapag-move on ang isa’t isa at hindi na mapigilan na pumasok sa ibang relasyon.

Dahil dito kaya ang mainam umanong remedyo dito ay annulment para maayos at mapayapang makapaghiwalay at walang ibang dahilan na kailangan pa para ma-justify ang annulment.

Read more...