Online application para sa provisional authority ng TNVS magagamit na

Magagamit na ang online application para sa provisional authority (PA) sa mga Transoprt Network Vehicle Services (TNVS).

Kapag binuksan ang link na lftrb.pg.net/pa lalabas ang opsyon kung saan maaring mag-set ng appointment date ang aplikante kung kailan nito nais mag-apply ng PA o permit.

Kinapapalooban ng dalawang ‘steps’ ang proseso ng online application.

Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na simula ngayong araw, July 24 ay online na ang pag-aaply ng TNVS para sa PA.

Ito ay para hindi na kailangang pumila ng mga driver ng TNVS sa LTFRB office sa East Avenue sa Quezon City.

Read more...