Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader at Iloilo Rep. Janet Garin, umaasa siya na nagbibiro lamang si Panelo sapagkat kahit sa hayop ay hindi ginagamitan ang lubid sa paraan ng pagpatay.
Kailangan anyang hindi bumalik ang bansa sa stone-age sapagkat walang puwang ang lubid sa death penalty sa kasalukuyang panahon.
Sinabi ni Garin na mas mabuting pag-usapan ang nilalaman ng mga panukalang batas.
Pinaalalahanan naman ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr, ang tagapagsalita ng palasyo sa nilalaman ng Saligang Batas na nagbabawal sa marahas at hindi makataong parusa.
Bukod dito, mayroon ding batas na nagpaparusa sa anti-torture at iba pang hindi makataong parusa.
Magugunitang pumasa na sa ikatlo at huling pambasa noong 17th Congress ang panukalang death penalty pero natulog na sa Senado.