Pitong foreign terrorists, kaanib ng ASG at BIFF sa Mindanao

Pitong foreign terrorist ang nakipagsanib pwersa sa Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangasamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Mindanao.

Sinabi ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Cirilo Sobejana, ang pitong mga terorista ang nasa likod ng pagsasanay ng lokal na grupo na kumikilos sa Sulu, Maguindanao at Basilan.

Tumanggi si Sobejana na kilalanin ang mga ito pero responsable aniya ang mga ito sa pagtuturo sa mga miyembro ng ASG at BIFF sa paggawa ng bomba at pagsasagawa ng suicide bombing.

Ayon pa kay Sobejano, kinukumpirma din nila ang napaulat na may 42 iba pang mga foreign militants ang nasa Mindanao.

Read more...