Chairman ng barangay sa Ayungon, Negros Oriental natagpuang patay

Nasawi ang barangay chairman ng Mabato sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Kinilala ang puno ng barangay na si Sunny Arcala Caldera, 51-anyos na hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi pa matukoy na kemikal.

Na-confine pa si Caldera sa ICU ng Silliman University Medical Center matapos matagpuang nakabulagta sa tinutuluyan nitong bahay Lunes ng gabi.

Nauna dito, dumalo ang barangay chairman sa pulong na ipinatawag ni Mayor Erwin Agustino kaugnay ng pagkamatay ng apat na pulis sa Sitio Ilaya Yamot.

Ang mga pulis ay tinorture at pinatay umano ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong nakaraang linggo.

Malaki ang hinala ng otoridad na na-pressure si Caldera para resolbahin ang nasabing kaso.

Read more...