Bangkay ng dalawang lalaki natagpuan sa Cebu City

Natagpuan ang dalawang lalaki na kapwa may tama ng bala ng baril sa South Road Properties (SRP) sa Cebu City.

Ayon kay Police Capt. Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling police, hindi pa nakikilala ang dalawang biktima na nakita sa main road dakong ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules (July 24).

Wala ding nakuhang ID mula sa mga biktima.

Nakakuha ng 15 basyo ng bala ng 9mm na baril sa crime scene.

Ayon sa barangay tanod na si Ernesto Repaso, mayroong nakakita na may dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na dumaan sa lugar bago nakita ang katawan ng mga biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...