Family and Child Summit idaraos ng MTRCB sa Iloilo City

Muling magdaraos ng Family & Child Summit ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang summit ay may temang “History of Philippine Cinema in Western Visayas” na gaganapin sa August 9, 2019 sa Diamond Jubilee Hall, Iloilo City mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Ayon sa MTRCB ito ang unang bahagi ng tatlong Regional Family and Child Summit na isasagawa ng ahensya ngayong taon.

Pangungunahan ni MTRCB Chairperson Maria Rachel Arenas ang summit.

Ayon sa MTRCB, libre ang pagdalo sa summit, kung saan mayroong mga guest speaker at magkakaroon din ng film showing.

Read more...