28-anyos na Russian boxer nasawi matapos ang laban dahil sa brain injuries

Photo by Scott Taetsch/Getty Images
Nasawi si Russian boxer Maxim Dadashev matapos magtamo ng brain injuries sa laban niya sa Amerika.

Natamo ng 28 anyos ang brain injuries matapos ang laban niya sa Puerto Rican boxer na si Subriel Matias.

Ayon sa pahayag ng kampo ni Dadashev, itinigil ang laban pagsapit ng round 11.

Hindi nagawang makalakad ni Dadashev pabalik ng kaniyang dressing room kaya agad siyang isinugod sa ospital.

Inoperahan ang boxer dahil may nakitang pamamaga sa kaniyang utak pero binawian din ng buhay.

Ayon sa cornerman ni Dadashev na si James McGirt, nabigo siyang kumbinsihin ang boxer na itigil na ang laban dahil gusto nitong magpatuloy.

Dahil dito pagdating sa round 11 ay nagpasya na siyang maghagis ng twalya para ihinto na ang laban.

Si Dadashev ay mayroong rekord na 13-0 sa kaniyang boxing career.

Read more...