Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, petsa na lamang ang pinaplantsa para sa Ledac meeting.
Ani Nograles, kadalasan ay buwan ng Agosto nagco-convene ang Ledac.
Sinabi ni Nograles na bibigyan munang pagkakataon ang kamara at senado na makumpleto ang pagtatalaga ng mga lider at mamumuno sa mga komite.
Una rito hinikayat ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Pangulong Duterte na i-convene ang Ledac para sa mas mabilis na pagpasa ng priority measures ng pangulo.
Kabilang sa mga prayoridad na legislative agenda ng pangulo ang pagbabalik muli sa death penalty pagpapaliban ng SK at Brgy. elections at tax reform package 2, paglikha ng Department of Water, Department of disaster Resilience, Mandatory ROTC, fire modernization program at iba pa.