Ayon kay Dr. Nelson Soriano, provincial epidemiologist ng Cavite, mula January 1 hanggang July 20 nasa 4,108 na ang kaso ng dengue sa Cavite.
Nagtalaga na aniya ng ‘fast lanes’ sa mga pagamutan upang mas mabilis maasikaso ang mga tinatamaan ng sakit.
Sa ngayon sapat din ang suplay ng dugo sa mga pagamutan.
Kada araw nakapagtatala ng 15 hanggang 20 pasyente ng dengue sa mga pagamutan sa probinsya.
Ang Cavite ay isinailalim sa state of calamity bunsod ng mabilis na pagdami ng tinatamaan ng sakit.
MOST READ
LATEST STORIES