Ayon sa pahayag ng pamunuan ng barkong Stena Impero, naghihintay sila ng permiso mula sa Iran para payagan silang dalawin ang 23 crew members.
Tuloy din ang kanilang suporta at pakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga crew na pawang mula sa India, Russia, Latvia, at Pilipinas.
Ayon sa kumpanyang Stena Bulk, itutuloy nila ang suporta sa pamilya at tulong sa mga crew hanggang sa mapalaya ang mga ito at makabalik sa kanilang pamilya.
Hinarang sa Iran ang barko matapos umanong masangkot sa sea collision.
Pero ayon sa Stena Bulk, wala silang hawak ngayong ebidensya na nagkaroon nga kabanggaan ang kanilang barko.