Netizens nagulat na naman sa bagong larawan ni John Lloyd Cruz sa social media

Nabulabog na naman ang social media makaraang kumalat ang bagong larawan ni John Lloyd Cruz.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizen sa instagram post ng aktor kung saan makikita itong nagbabasa ng isang maliit na libro at tila nasa loob ng cabinet.

Para sa marami, tila weird ang nasabing larawan at naguguluhan sila kung ano ang pakahulugan dito ng aktor.

Mayroon namang nagpahayag ng suporta at sinabing nirerespeto nila ang aktor sa pagiging creative nito.

May mga nagtatanong din kung ano na ang nangyari sa aktor na kamakailan lamang ay lumabas sa event kasama sina Bea Alonzo at Piolo Pascual.

Read more...