Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan

Nabawasan pa sa nakalipas na 24 na oras ang water level ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, July 24, nasa 161.36 meters ang water level ng dam.

Ang Ipo dam ay nabawasan din ang water level at ngayon ay nasa 100.49 meters.

Nadagdagan naman ng kaunti ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 73.82 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat.

Habang kapwa nabawasan ang water level ng Ambuklao at Caliraya.

Read more...