6 na katao inaresto kaugnay sa Hong Kong subway attack

AP Photo
Hawak na ng mga otoridad ang anim na katao na pinaniniwalaang sangkot sa pag-atake sa subway sa Hong Kong.

Ayon kay Senior Superintendent Chan Tin-chu nasa pagitan ng edad 24 at 54 ang mga lalaki na pinaniniwalaang kabilang sa mga umatake Yuen Long MTR Station noong Linggo.

Inaresto sila sa salang “unlawful assembly” at ilan sa anim ay natuklasang kunektado sa triad criminal gangs.

Magugunitang mga nakasuot ng masks at puting T-shirts at armado ng yantok ang mga umatake sa subway.

Umabot sa 45 ang nasugatan sa nasabing insidente.

Read more...