Bahagi ng Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw ang MIMAROPA at Western Visayas dahil sa Habagat.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ang habagat ay magdudulot ng isolated n apag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa dalawang nabanggit na rehiyon.

Paalala ng PAGASA sa mga residente maaring makaranas ng flash floods sa mababang lugar lalo na sa kalakasan ng buhos ng ulan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan lamang ang mararanasan na may biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi.

Wala namang sama ng panahon na inaasahang lalapit o papasok sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Read more...