Mag-asawa timbog sa buy-bust sa QC

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang mag-asawa sa Barangay San Martin de Porres sa Quezon City.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan ng Cubao Police Sation target ng operasyon ang lalaking suspek.

Nabilihan siya ng P300 halaga ng shabu ng pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa mag-asawa ang 11 sachet ng shabu, isang 9mm na baril at ilang mga bala.

Nagpakilala naman ang suspek na security guard ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kaya siya may armas.

Kinumpiska rin ang ID ng lalaki para isailalim sa beripikasyon.

Read more...