Pinakamataas na temperatura naitala sa Bordeaux, France

AFP photo

Naitala ang pinakamataas na temperatura sa kasaysayan ng Bordeaux, France araw ng Martes sa gitna ng inaasahang pagbugso ng ikalawang heatwave sa Western Europe.

Nagrehistro sa thermometer ang 41.2 degrees Celsius ne temperatura sa Bordeaux na nalampasan ang dating highest-record na 40.7 degrees Celsius noong 2003.

Nauna rito ay naglabas ng orange alert sa nakararaming bahagi ng France.

Ang orange alert ang pangalawa sa pinakamataas na warning

Inaasahang sa Huwebes, maitatala rin ang pinakamataas na temperatura sa Paris na malalampasan ang 40.4 degrees Celsius na naitala taong 1947.

Inaasahan ng weather forecasters na maitatala rin ang record-breaking temperatures sa iba pang bahagi ng Europe ngayong linggo kabilang ang mga bansang Belgium, Germany, at the Netherlands.

Nagdeklara na ng red alert sa Zaragoza region sa Spain at ibinabala ng Copernicus Climate Change Service ng European Commission ang panganib ng wildfires sa Spain at Portugal.

Sa the Netherlands, pinairal na ng gobyerno ang national heat plan nito.

Sinabi naman ng mga eksperto na komplikadong iugnay ang isang ‘single event’ sa global warming.

Gayunman, hindi isinasantabi na ang pagiging madalas ng pagkakaroon ng heatwaves ay maaaring resulta ng climate change.

 

Read more...