3 arestado sa buy-bust operation sa Makati

Timbog ang dalawang lalaki at isang babae sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Olympia, Makati City Martes ng hapon.

Target ng operasyon si Bryan Paolo Santos, 29 anyos, isang kusinero.

Ayon sa pulisya, nakabili sila ng P300 halaga ng shabu mula kay Santos.

Isinama ni Santos ang mga poseur buyer sa kanyang bahay para kunin ang biniling droga at dito na naabutan ang dalawa pang suspek na namataang nagdru-drug session.

Nakuha mula sa mga suspek ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5,000.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...