Ginebra balik PBA semis matapos ilampaso ang Magnolia

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Matinding opensa at depensa ang ipinamalas ng Barangay Ginebra sa paglampaso nito sa Magnolia sa score na 106-80 Martes ng gabi para masungkit ang unang slot sa semi-finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ang balik-semis na Ginebra ay tila natuto na sa ga-hiblang panalo nila sa series-opener.

Dahil dito ay napwersa ng Gin Kings ang semi-final duel kung sino ang mananalo sa pagitan ng nangungunang TNT o ang kontra-pelong Alaska.

Muling pinangunahan ng import na si Justin Brownlee ang koponan lalo na sa pasabog nito sa third quarter hanggang magtapos ito sa 30 points at 9 rebounds.

Target ngayon ng Ginebra ang ikalawang sunod na conference title.

Samantala, tinangka pero bigo sina Mark Barroca, Rakeem Christmas at Ian Sangalang na maiangat at makahabol ang Magnolia.

 

Read more...