Ayon sa Phivolcs, alas-9:54 Martes ng gabi nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa layong anim na kilometro Timog-Silangan ng San Jose, Romblon.
May lalim ang pagyanig na siyam na kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Malay, Aklan.
Alas-12:06 naman kaninang hatinggabi, magnitude 3.4 na lindol ang yumanig sa layong 146 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.
May lalim ang naturang pagyanig na 25 kilometro.
Samantala, magnitude 3.2 na lindol ang naitala ala-1:54 ng madaling araw sa layong 18 kilometro Hilagang-Silangan ng Burgos, Surigao del Norte.
Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.