Malakanyang sinaway ang mga mambabatas sa isyu ng pederalismo

Sinaway ng palasyo ng malakanyang ang mga mambabatas na huwag na munang mag-away sa halip ay mag-usap kung paano babaguhin ang saligang batas.

Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ang SONA ang tamang lugar para talakayin ang itinutulak na pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na mag-away ang mga mambababatas sa harap ng publiko kung idadaan sa people’s initiative, constitutional convention o constituent assembly ang pagbabago sa saligang batas, mas makabubuti kung magpupulong pulong muna sila at magkakasundo.

Kaya tuloy aniya nababatikos ang mga mambabatas dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Sa panig ng Kamara, nais nilang idaan ang pagbabago sa saligang batas sa pamamagitan ng con-ass bagay na tinutulan ng Senado.

“What the President is saying, sa halip na mag-away-away kayo diyan sa method, pag-usapan ninyo muna bago kayo lumabas ng posisyon ninyo kasi nagmumukha kayong… hindi kayo nagkakaintindihan. Eh kasi iyong House at saka Senate, hindi sila magkaintindihan kung anong method ‘di ba? But they have decided by way of a constituent assembly. O, pag-usapan ninyo na lang muna kasi maki-criticize lang kayo, ‘yan ang punto ni Presidente,” ani Panelo.

Nasa bola na aniya ng Kongreso ang pagpasa sa pederalismo.

Napatunayan din aniya ng pangulo na hindi ito direktang nakikialam sa trabaho ng Kongreso dahil mismong ang kanyang itinutulak na pederliasmo ay hindi pa nakalulusot hanggang sa ngayon.

 

Read more...