Pacquiao hindi pa magreretiro sa boxing

Balik-trabaho na bilang senador si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos masungkit ang WBA super welterweight belt sa laban nila ni Keith Thurman.

Pagbalik nito sa Senado araw ng Martes ay nakasuot pa rin ng dark sunglasses si Pacquiao dahil sa black eye.

Inamin nito na malakas din ang mga suntok na tinanggap niya mula sa Amerikanong boksingero.

Samantala, sinabi ng Pambansang Kamao na hindi niya pa naiisip kung kailan siya muling tutungtong sa boxing ring at sino ang susunod niyang makakalaban.

Kaugnay naman sa mga nagsasabi na panahon na para siya magretiro, sinabi ni Pacquiao na hindi pa ito sumasagi sa kanyang isip.

Kumpiyansa ito na kaya pa ng kanyang katawan ang makipagsuntukan bagamat hindi na nito binanggit kung ano ang makakapag-retiro sa kanya sa mundo ng boxing.

 

Read more...