Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay na rito ang pagkakaroon ng military installation sa lugar.
Iginiit pa ni Panelo na hindi naman kailangan ng China na maging physically present sa 10,000 hectares dahil sapat na ang mga inilagay nilang kagamitan para ipakita sa ibang bansa na kontrolado nila ang naturang lugar.
May tinatawag aniya na legal possession na sa ngayon ay pinaniniwalaan ng China.
Kung hindi aniya kontrolado ng China ang lugar, wala na sanang nagaganap na sigalot ngayon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil malinaw ang naging ruling ng Permanent Court of Arbitration na hindi nito kinikilalala ang nine-dash claim ng China sa South China Sea.