Kasunod ito ng pagtalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang 4th State of the Nation Address (SONA) sa naturang isyu.
Ayon kina Carpio at Morales, illegal ang kasunduan dahil nakasaad sa Konstitusyon na ang Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas ay para sa mga mangingisdang Pilipino lamang.
Hangga’t hindi umano nababago ang Konstitusyon ay walang opisyal ang may awtoridad para payagan ang mga dayuhan na mangisda sa EEZ.
Wala rin anilang traditional fishing rights ang China o mga mamamayan nito sa EEZ ng bansa.
Sinabi ng Pangulo sa SONA na kahit may United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) ay maaaring makipag-kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa kung paano gagamitin ang EEZ.
Pero giit ng mga dating opisyal, hindi obligado ang Pilipinas na gawin ito.
Matatandaan na naghain ng reklamo ang dalawa sa International Criminal Court (ICC) laban kay President Xi dahil sa pag-angkin ng China sa mga teritoryo West Philippine Sea.