M4.5 na lindol naitala sa Agusal del Norte

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Agusan del Norte Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol alas 5:38 ng hapon sa 21 kilometers northeast ng Remedios Romualdez.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 13 kilometers.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng pangyayari.

 

Read more...