4th SONA ni Duterte, aprubado ng CHR

Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-apat na SONA ang tungkol sa economic, social, at cultural human rights ng mga Pilipino.

Ayon sa taga pagsalita ng CHR na si Atty. Jaqueline Ann de Guia, natutuwa sila dahil binigyan-pansin ni Pangulong Duterte ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pinoy sa lipunan, lalo na ang mga mahihirap.

Dagdag ni De Guia, mahalaga na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap para hindi nila maisipang gumawa ng krimen.

Ang pagkilala anya ng mga karapatan ng mga Pinoy ay magbibigay ng magandang resulta sa lipunan dahil mabibigyan na sila ng disenteng pamumuhay.

Mahalaga rin anya na nararamdaman ng mga mahihirap na bahagi sila ng lipunan.

Ang rehabilitasyon ng Boracay, pagtugon sa kalamidad, dagdag-sahod ng mga guro at nurse, edukasyon para sa mga kabataan at paglaban sa kurapsyon ay ilan sa tinukoy ng CHR na mabuting tinalakay ng Pangulo sa SONA na makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Pinoy.

 

Read more...