PDEA pabor sa nais ni Duterte na ibalik ang death penalty

Naniniwala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang death penalty ang lulutas sa mga krimen na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, paparusahasan ng kamatayan ang lahat ng mga mapapatunayan na nagtutulak o nagbebenta ng droga at mga protektor nito, Pilipino man o banyaga.

Dagdag ni Aquino, ang mga nakakagawa ng mga karumal-dumal na krimen na dulot ng droga, tulad ng rape ay dapat ding maisama sa death penalty.

Katunayan ay may natatanggap na report anya ang PDEA na ang mga convicted drug lord ay patuloy ang operasyon ng illegal na droga kahit nasa kulungan.

Naniniwala si Aquino na ang pagbabalik ng death penalty ay katanggap-tangap kung ang hahatulan nito ay isang tao na gustong manira ng buhay lalo na ang kinabukasan ng mga bata.

Ang pahayag ng PDEA ay kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo duterte sa kanyang 4th na SONA na nais nitong maibalik ang parusang kamatayan para sa mga kasong may kaugnayan sa droga at plunder.

 

Read more...