Jeepney driver patay sa pamamaril ng riding in tandem sa QC

MMDA photo

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang driver ng jeep sa Quezon City Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente alas 8:58 ng gabi sa may east bound ng EDSA corner North Avenue sa nasabing lungsod.

Nakilala ang bitktima na si Roel Malagiño, vice president ng Stop and Go Coalition ng Muñoz-Moñumento Chapter.

Ayon naman sa mga saksi, sinabayan ng dalawang lalaking nakamotorsiko ang jeep at saka dalawang beses pinaputukan ang biktima bago tumakas.

Dahil binaril ang driver, bumangga ang jeep na may plakang TXC-256 sa nasa unahan nitong UV Express.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpaslang.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang naturang insidente.

 

Read more...