“No break policy” ipatutupad ng Bureau of Immigration

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Iminungkahi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ipatupad ang “No break policy” sa mga opisyal ng Bureau of Immigration kung maraming nakapila sa mga immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay para mabawasan ang mahabang pila sa mga immigration counters at mabantayan ang record ng mga turistang pumapasok sa bansa.

Kasunod ito ng mga naitalang immigration issues sa nasabing paliparan.

Bukod dito, nagsabi rin si Tugade na kailangan ng karagdagang mga rapid response team o strike team force mula sa Manila International Airport Authority sa pagbabantay sa mga immigration counters.

Sa kalalukuyan ay nasa 500 personnel lamang nakadeploy sa tatlong terminal ng NAIA na nasa shift schedule.

Read more...