Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., magsasagawa sila ng botohan para mailuklok ang tatayong minority leader.
Paliwanag ni Garbin, susundin nila ang FariƱas Doctrine kung saan ang mga taga-minorya ang mamimili ng kanilang pinuno.
Sa eleksyon ng House Speaker kahapon ang natalong kandidato ay si Manila 6th District Rep. Benny Abante na nakakuha ng 28 na boto laban kay Speaker Alan Cayetano.
Nauna rito, bumuo ng koalisyon ang minority group na kinabibilangan ng Makabayan bloc, pitong taga Liberal Party at ilang mga taga partylist group upang at nais nilang gawing lider si Abante.
MOST READ
LATEST STORIES