Tindero ng prutas arestado dahil sa pagbebenta din ng shabu sa Lucena City

Arestado ng mga otoridad ang isang fruit vendor dahil suma-sideline ito bilang pusher.

Kinilala ni Lt. Colonel Reydante Ariza, Lucena police chief ang suspek na si Conrad Garcia, 43 anyos.

Nagbenta si Garcia ng shabu sa isang undercover police officer sa Bel-Air Subdivision sa Barangay 10, Martes (July 23) ng umaga.

Ayon kay Ariza, aabot sa P10,440 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa suspek.

Si Garcia ay nasa drugs watchlist ng pulisya at itinatago ang ilegal na gawain sa pamamagitan ng pagbebenta ng prutas.

Read more...