11 NPA na pumatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pananambang sa mga pulis sa Negros Oriental.

Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, pawang miyembro ng New People’s Army ang nasa likod ng pagpatay sa apat na pulis.

Labingisa umano sa mga suspek ang natukoy na at sasampahan na nila ng kaso ang mga ito.

Hindi naman muna inilabas ni Albayalde ang pangalan ng labingisa.

Sa imbestigasyon ani Albayalde, tinipon pa ng mga rebelde ang mga residente ng Barangay Manato sa bayan ng Ayungan at sa harap nila isinagawa ang pagpatay sa mga pulis noong July 18.

Read more...