Sasailalim sa masusing pag-aaral ang panukalang nationwide liquor ban ni Pangulong Rodrigo Duterte pagsapit ng alas 12:00 ng hatinggabi.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III maaring pwede ang nasabing panukala sa ibang lugar pero hindi sa buong bansa.
Maari aniyang maumpisahan ito sa pamamagitan ng local ordinances.
Ani Sotto, maari ding manloko lang ang ilang establisyimento na magkukunwaring nakasara pero puno pala ng mga nag-iinuman sa loob.
Kung epektibo sa Davao City ang naturang panukala, ay sinabi ni Sotto na maaring pag-aralan kung pwede itong ipatupad sa buong bansa.
READ NEXT
Malakanyang kumpiyansang maipapasa ang death penalty sa mga sangkot sa ilegal na droga at plunder
MOST READ
LATEST STORIES