WATCH: Pagbuhay sa death penalty suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng parusang bitay.

Sinabi ito ni PNP Chief Oscar Albayalde matapos isulong ni Pangulnog Rodrigo Duterte sa kaniyang ikaapat na SONA ang pagbabalik sa death penalty.

Ayon kay Albayalde, malaking tulong ito upang masugpo ang mga karumal-dumal na krimen, ilegal na droga at korapsyon.

Magsisilbi aniya itong ‘game changer’ sa kampanya ng PNP lalung-lalo na sa kanilang hakbang laban sa drug traffickers.

Nauuwaan din aniya ng PNP ang pagkadismaya ng pangulo sa patuloy na pamamayagpag ng korapsyon sa bansa.

Ani Albayalde, may bahagi ang PNP sa kampanyang ito kaya nga patuloy ang paglilinis ng pambansang pulisya sa kanilang hanay.

Read more...