Ito ay makaraang mapanatili ang kaayusan at walang maitalang anumang untoward incidents sa mga aktibidad kahapon.
Ani Albayalde hindi lang ang pagkilos sa Commonwealth Avenue at IBP Road ang naging payapa kundi ang iba pang pagtitipon sa ibang bahagi ng Metro Manila at iba lugar sa bansa.
Ayon kay Albayalde, ang maayos na pakikipag-ugnayan ng mga organizer ng bawat grupo sa mga otoridad ang naging susi para maging payapa ang sitwasyon.
Tinupad aniya ng grupo ang kanilang mga pangako at ang mga napagkasunduan sa mga idinaos na pulong ilang araw bago ang SONA.
MOST READ
LATEST STORIES