Pangulong Duterte gustong magpatupad ng ban sa alak mula alas 12:00 ng hatinggabi

FILE PHOTO

Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kongreso na pag-aralan ang pagpasa ng panukalang batas na magbabawal sa pagbebenta ng alak pagsapit ng alas 12:00 ng hatinggabi.

Sa panayam sa pangulo pagkatapos ng kaniyang ikaapat na State of the Nation Address sinabi ng pangulo na maari itong makapagpabuti sa pamumuhay ng mga Filipino bagaman makaaapekto sa negosyo.

Dapat aniya pagsapit ng alas 11:00 ng gabi wala nang umiinom ng alak at pauwi ng bahay ang lahat.

Naniniwala ang pangulo na mahirap isulong ang naturang panukala dahil aalma ang mga negosyante dito.

Pero sa Davao City aniya ay nakasanayan na ito ng mga residente.

Read more...