Mga priority bills ng pangulo na binanggit sa SONA tutukan ng Kamara

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na magdo-double time sila sa Kamara upang maipasa ang mga batas na nais ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Romualdez, tututukan nila ang priority bills ng pangulo na binanggit sa kanyang SONA lalo na ang mga layunin ay mapaunlad at mapabuti ang buhay ng mga Filipino.

Sinabi nito na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Cayetano hahanapan ng Kamara ng pangmatagalang solusyon ang mga malalang problema ng bansa.

Kabilang na ayon kay Romualdez ang paglikha ng Department of Disaster Resilience, pagtugon sa kahirapan, iligal na droga, peace and order, korapsyon at ang kakulangan sa mga imprastraktura.

Tiniyak din nito na makikipagtulungan sila sa mga economic managers ng gobyerno upang maipasa ang mga economic bills ng pangulo na layon ay mabawasan ang kahirapan sa bansa pagdating ng 2022.

Read more...