Ayon kay Pangulong Rodirgo Duterte, kinokonsulta niya muna ang kanyang mga economic manager maging ang mga negosyante at ang mga manggagawa sa bansa.
Mahalaga kasi aniya na isaalang-alang ang mga negosyante na maaring maapektuhan ng panukalang batas gayundin din na maaring masaktan ang mga manggagawa kapag hindi nilagdaan ang panukala.
Isinumite na ng kongreso kay Pangulong Duterte ang Anti-Endo Bill noon pang Hunyo at nakatakdang mag-lapse into law sa July 27 kapag hindi aaksyunan ng pangulo.
“Pinag-aralan namin mismo. I have… I have to confer with a lot of people affected. You know, it — this is a — two to tango ‘to eh. So it would affect the employers and of course it would also greatly favor the workers. It’s a catch-22 for me,” ayon sa pangulo.
Una rito, umapela ang malalaking grupo ng mga negosyante kay Pangulong Duterte na i-veto ang naturang panukala sa pangambang malugi ang kanilang negosyo.
Iginiit pa ng nga negosyante na mayroon nang mga umiiral na batas na nagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
Ang Endo o End of Contract ay controversial practice sa bansa kung saan pinagtatrabaho ang isang manggagawa ng hindi lalagpas ng anim na buwan at hindi binibigyan ng mga kaukulang benepisyo na isinasaad sa batas.