James Cameron binati ang Marvel Studios matapos talunin ng Avengers ang pelikula niyang Avatar sa global box office

Nagpahayag ng pagbati si Director James Cameron sa Marvel Studios. It ay makaraang talunin ng ‘Avengers: Endgame’ ang pelikulang ‘Avatar’ bilang highest-grossing movie of all time.

Gamit ang official twitter ng Avatar ay ipinaabot ni Cameron ang pagbati sa Marvel.

Winakasan ng ‘Avengers: Endgame’ ang sampung taon na pamamayagpag ng ‘Avatar’ sa global box office.

Umabot sa $2.78 billion ang kinita ng Avatar nang i-release ito noong 2009.

Ang kinita naman ng Endgame ay umabot sa $2.79 billion.

Read more...