Dating prison guard arestado matapos mahulihan ng P600K na halaga ng shabu sa Davao City

Inaresto ang isang dating prison guard na nakatalaga sa Davao Penal Colony sa ikinasang buy-bust operation sa Talomo District, Davao City.

Nakumpiska ng mga otoridad sa suspek ang 36 na sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P600,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, ikinasa nila ang buy-bust operation laban sa suspek matapos matuklasan ang ilegal na gawain nito.

Apat na taong nagsilbi bilang prison guard ang suspek pero natanggal sa puwesto noong 2016 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Aminado namanang suspek na ang pagtutulak ng droga ang kaniyang pinagkakakitaan matapos mawalan ng trabaho.

Read more...