Water level ng Angat dam muling nabawasan

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Nasa 161.46 meters ang water level ng dam, alas 6:00 ng umaga ng Martes, July 23 ayon sa PAGASA Hydrology.

Ang Ipo dam naman ay bahagyang nadagdagan na ngayon ay nasa 100.66 meters ang water level at ang La Mesa dam na nasa 73.72 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat.

Habang nabawasan naman ang water level ng Binga at Caliraya.

Read more...