Call center agent arestado matapos magpanggap na staff ng money remittance

Arestado ang isang call center agent matapos magpanggap umano na staff ng G-Cash Money para makapanloko.

Base sa salaysay ng biktima na si Florenda Arquio, 28, na isang liason clerk, nakuha umano ng suspek na si Ardee Manaloto ang kanyang impormasyon matapos na magpanggap na staff ng G-Cash Money.

Nagreklamo ang biktima ng malaman niya na ang kanyang pera ay nailipat na sa account ng suspek.

Dito na humingi ng tulong ang biktima sa banko at maging sa mga police.

Naaresto ang suspek sa East West Bank Branch na makikita sa 11th Ave., Brgy. 190, Caloocan City.

Nakuha sa kaniya ang isang deposit slip at cash money na nagkakahalaga ng Php 18,000.00.

Read more...