Patay sa monsoon rains sa India, Nepal, Bangladesh at Pakistan umakyat na sa mahigit 600

Umabot na sa 650 ang bilang ng mga nasawi sa matinding pagbaha sa India, Nepal, Bangladesh at Pakistan.

Ayon sa datos ng mga otoridad, umabot na sa mahigit 10 milyon ang naapektuhan ng pagbaha sa mga apektadong bansa sa South Asia.

Sa India, matinding pag-ulan ang naranasan ngayong buwan ng Hulyo kung saan 467 na katao na ang nasawi.

Sa Nepal naman 90 katao na ang nasawi at mayroon pang 29 na nawawala.

Sa Bangladesh naman ay umabot na sa 97 ang patay na pawang nalunod at tinamaan ng kidlat.

Habang sa Pakistan ay umabot na sa 30 ang nasawi.

Read more...